This powwow has already been held!

[View Powwow Report]

ProZ.com powwow: Sanggunian ng mga suliranin sa pagsalin

January 16, 2010, 11:00 am
FilippineManila o QC (pag-uusapan muna)In personTagalog
Kumusta! Minsan lang akong makadalaw, kaya pagsasamantalaan ko ang pagkakataong makilala ang komunidad sa Pilipinas. Iniisip kong maaari tayong magkita sa tanghalian sa isang kainan, subalit kung nais ninyong ibang uri ng pagsalo-salo, palagay kong makakakuha tayo ng lugar sa UP o DLSU, depende lang kung ilan tayo.


Login to add your name to the list of people interested.Click here to login now.

Click here to register. (It is free.)


ProZ.com Users attending this Powwow

: organizer : photos : report : host

Interested members (7) / Confirmed: 5 / Tentative: 1
Name NoteWill Attend
Parrot  \"Organizer\" \"Reporter\" ...  y
Jake Estrada FCIL CL  \"Host\" @ceci: bakit hindi naman ako sisipot? :) kung nangungulila ka na nga sa Roxas Blvd. bayside, imumungkahi ko sana ang San Miguel By The Bay--moderno at malinis na hanay ng mga kainan sa gilid ng SM Mall of Asia: http://tinyurl.com/yjquuuc   y
Ophelia Del Mundo   Ophelia Del Mundo  
Jose Mario Lizardo  \"Photographer\" Sa Abril na ang aming pagtungo sa Palawan. Makakasalamuha ko na rin kayo sa wakas. Magkita-kita tayo sa "San Miguel by the Bay"  y
Ma. Unica Real Encinares  \"Photographer\" Ok sa akin ang San Miguel By The Bay, sa Aling Tonya's o Trinity siguro? http://www.ourawesomeplanet.com/awesome/2007/12/san-miguel-bay.html  m
Samuel Caezar Porcalla   Samuel Caezar Porcalla  y
Cynthia Trinidad  \"Photographer\" Manila sana :)  y


Postings about this event


Pagine:   [1 2] >
Powwow: Manila o QC (pag-uusapan muna) - Philippines
Jake Estrada FCIL CL
Jake Estrada FCIL CL  Identity Verified
Filippine
Local time: 02:41
Membro (2003)
Da Inglese a Tagalog
+ ...
Magandang simulain Dec 14, 2009

Ganap akong sumasang-ayon sa iyo Parrot. Hindi natin malulutas o kahit matatalakay man lang ang lahat ng mga paksa sa isang pagpupulong lamang.

Ang mahalaga ay ating maumpisahan ang talakayan at maipagpatuloy ang palitan ng mga ideya, mungkahi at kuru-kuro sa mga darating na panahon.

Marami ang kailangang talakayin, ito'y magandang simulain!


 
Ma. Unica Real Encinares
Ma. Unica Real Encinares
Filippine
Local time: 02:41
Membro (2007)
Da Inglese a Tagalog
+ ...
Ok din sa akin ang Maynila Oct 21, 2009

o Makati at Quezon City.

 
Parrot
Parrot  Identity Verified
Spagna
Local time: 19:41
Da Spagnolo a Inglese
+ ...
OK ba ang Aristocrat at 12:00? Oct 21, 2009

Na-confirm na ang aking lipad... sana sumipot si Jake Estrada.

 
Cynthia Trinidad
Cynthia Trinidad  Identity Verified
Local time: 02:41
Membro (2002)
Da Inglese a Tagalog
+ ...
Aristocrat, Enero 1/16/2010, Sabado Oct 21, 2009

Minarkahan ko na ang kalendaryo ko, Aristocrat - Roxas Blvd., tanghalian

 
Samuel Caezar Porcalla
Samuel Caezar Porcalla
Filippine
Local time: 02:41
Da Inglese a Tagalog
+ ...
ok din ako sa manila... Oct 21, 2009

ok ako jan. 16... anyone going to the proz conference in thailand this december?

 
Parrot
Parrot  Identity Verified
Spagna
Local time: 19:41
Da Spagnolo a Inglese
+ ...
Tiningnan ko sa internet Nov 16, 2009

Hindi ba madaling maligaw dito? Iilan lang tayo sa kasalukuyan baka mawala pa ang iba, di ba? O may alam ka bang lugar na tiyak dyan na matatagpuan ng lahat?

 
Parrot
Parrot  Identity Verified
Spagna
Local time: 19:41
Da Spagnolo a Inglese
+ ...
Kamusta Jake! Nov 10, 2009

Sa wakas, magkikita tayo, no? Bago yata yan - pero open air?

 
Jake Estrada FCIL CL
Jake Estrada FCIL CL  Identity Verified
Filippine
Local time: 02:41
Membro (2003)
Da Inglese a Tagalog
+ ...
Ceci, ito na ang pumalit sa bayside o remedios circle. Nov 10, 2009

Medyo bago-bago din ito, at paborito ng mga turista. Lahat ng kainan ay may "al fresco dining" pero may air-conditioned indoor seating din kung sakaling umulan. Iba't-ibang klase ang pagkain pero ang uso dito ay "paluto" -- pipili ka ng sariwang pagkaing-dagat at iluluto nila ayon sa gusto mo. Kaya't habang ninanamnam mo ang pinaluto mong ginataang alimango sa malunggay ay haharanahin ka ng mga musikerong lulan ng lantsa sa may di-kalayuan. Samahan mo ng kuwentuhan, tawanan at malamig na san mig... See more
Medyo bago-bago din ito, at paborito ng mga turista. Lahat ng kainan ay may "al fresco dining" pero may air-conditioned indoor seating din kung sakaling umulan. Iba't-ibang klase ang pagkain pero ang uso dito ay "paluto" -- pipili ka ng sariwang pagkaing-dagat at iluluto nila ayon sa gusto mo. Kaya't habang ninanamnam mo ang pinaluto mong ginataang alimango sa malunggay ay haharanahin ka ng mga musikerong lulan ng lantsa sa may di-kalayuan. Samahan mo ng kuwentuhan, tawanan at malamig na san miguel beer...........Collapse


 
Parrot
Parrot  Identity Verified
Spagna
Local time: 19:41
Da Spagnolo a Inglese
+ ...
Samuel Nov 16, 2009

Dadaan ako sa Bangkok pero huli na (Enero)... balak mo bang pumunta?

 
Parrot
Parrot  Identity Verified
Spagna
Local time: 19:41
Da Spagnolo a Inglese
+ ...
Ophelia Nov 16, 2009

welcome sa maliit na daigdig namin...

 
Jake Estrada FCIL CL
Jake Estrada FCIL CL  Identity Verified
Filippine
Local time: 02:41
Membro (2003)
Da Inglese a Tagalog
+ ...
Ceci, tanyag ang lugar na ito at napakadali nitong matunton. Nov 16, 2009

Ito'y nasa likod ng SM Mall of Asia, dulo ng EDSA. Basta taga-metro manila, di na maliligaw dito. Hintayin pa natin ang mungkahi ng ating mga kasama, baka may iba silang naiisip.

 
Parrot
Parrot  Identity Verified
Spagna
Local time: 19:41
Da Spagnolo a Inglese
+ ...
Pag-usapan ninyo Nov 10, 2009

Ano ang sabi ng iba? OK sa akin kung makakasiguro tayong magkakatagpuan (at magkadinig-dinig). Itong linggo nasa Paris ako pero may koneksyon ako sa gabi (madaling-araw ninyo).

 
Parrot
Parrot  Identity Verified
Spagna
Local time: 19:41
Da Spagnolo a Inglese
+ ...
Wala akong problema sa Maynila Sep 8, 2009

Sa totoo lang, miss ko na ang bayside. Naisip ko, Aristocrat, dahil wala silang tutol kapag ipagdikit-dikit ang mesa, maaaring mag-ingay, maari tayong abutan ng gabi, at hindi kailangang mag-reserve.

 
Parrot
Parrot  Identity Verified
Spagna
Local time: 19:41
Da Spagnolo a Inglese
+ ...
Welcome Jose Mario Dec 7, 2009

Masasayan kami kung makadating ka. Sa wakas, saan ba tayo magkikita?

 
Jake Estrada FCIL CL
Jake Estrada FCIL CL  Identity Verified
Filippine
Local time: 02:41
Membro (2003)
Da Inglese a Tagalog
+ ...
Habang dumarami na ang nagsisipagpalista, maari ba nating simulang talakayin ang ating agenda? Dec 11, 2009

Mukhang sa wakas ay matutuloy na ito, sana nga ang lahat ay makadadalo.

Narito ang ilang mga iminumungkahing talatuntunan:


1. Pagtagag ng Samahan ng mga Tagapagsalin sa Pilipinas upang maitanggol ang ating mga kapakanan at karapatan

2. Pagsulong ng pagkakaroon ng "Certification Exam" para sa Pagsasalin sa Tagalog na magsisilbing pamantayan sa pagiging isang propesyonal na tagasalin (kung di ako nagkakamali, wala pa ring ganito sa buong mundo)

3.
... See more
Mukhang sa wakas ay matutuloy na ito, sana nga ang lahat ay makadadalo.

Narito ang ilang mga iminumungkahing talatuntunan:


1. Pagtagag ng Samahan ng mga Tagapagsalin sa Pilipinas upang maitanggol ang ating mga kapakanan at karapatan

2. Pagsulong ng pagkakaroon ng "Certification Exam" para sa Pagsasalin sa Tagalog na magsisilbing pamantayan sa pagiging isang propesyonal na tagasalin (kung di ako nagkakamali, wala pa ring ganito sa buong mundo)

3. Pagtukoy ng (mga) *praktikal* na sanggunian sa Pagbaybay, Balarila at Estilo ng Pagsusulat sa Tagalog na kikilalaning batayan sa ating industriya (bukod/dagdag sa KWP)

4. Iba pang mga Hakbangin upang maiangat ang Propesyonalismo sa larangan ng Pagsasalin sa Pilipinas

at

5. Ang walang-puknat na talakayang: Tagalog vs. Filipino

atbp.
Collapse


 
Pagine:   [1 2] >

Sign in to add a comment

To report site rules violations or get help, contact a site moderator:

Moderatore(i) di questo Forum
Lucia Leszinsky[Call to this topic]

You can also contact site staff by submitting a support request »
This discussion can also be accessed via the ProZ.com forum pages.